-- Advertisements --

Handa na ang Philippine National Police para magbigay ng seguridad sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa PNP , aabot sa mahigit 14,000 na pulis ang ipapakalat ng PNP sa mga pampublikong lugar kung saan maraming tao.

Sinabi naman ni PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo na magtatayo sila ng mga help desk na ilagay sa mga simbahan, mall, bus terminal, paliparan, ports mga pasyalan bilang bahagi ng kanilang Ligtas Paskuhan 2024.

Sinabi rin nito na makikipag ugnayan ang kanilang organisasyon sa mga iba pang ahensya ng pamahalaan para sa mga force multiplier.

Layon nito na maging matiwasay ang kabuuan ng holiday season at pagdiriwang ng pasko maging ng bagong taon.

Sa ngayon ay wala pang namomonitor na anumang banta ang PNP bagamat tiniyak nito na lagi silang naka alerto dahil na rin sa anibersaryo ng CPP-NPA sa Disyembre 26.

Sa darating naman na Disyembre 15 ay magpapatupad ang PNP ng ‘no leave policy’ sa lahat ng kanilang mga tauhan.