Aabot na 14, 696 na mga rice farmers mula sa probinsya ng Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay ang naabutan na ng tulong pinansyal ng Department of agriculture sa pamamagitan ng Financial Subsidy for Rice Farmers o FSRF program.
Hangad ng naturang programa na matulungan ang mga magsasaka sa mga probinsyang hindi sakop ng rice Competitiveness Enhancement Fund at ang mga magsasakang may isang ektarya o mas mababa pa ang lupang sinasaka.
Matagumpay na naiabot sa mga benepisyaryo ang tig-P5,000.00 cash grant ng DA sa gitna ng pinapairal na Community quarantine dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Land Bank of the Philippines.
Ang mga nabanggit na rice farmersay nilista rin sa Registry System of Basic Sectors in Agriculture upang makabenipisyo sa iba pang programa at serbisyong pang –agrikultura ng ahensya.