-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Sumasailalim sa orientation ang 150 na magsasaka sa Kalinga tungkol sa agro-forestry.

Ayon sa Department of Agriculture-Cordillera, layunin ng aktibidad na maturuan ang mga magsasaka hinggil sa teknolohiya para sa fruit production at sa reforestation.

Isinasagawa ang aktibidad tuwing Miyerkules, Huwebes at Biyernes mula ngayong buwan hanggang sa Disyembre ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Provincial Agriculturist Domingo Bakilan ang mga enrollees na maghukay ng sapat na lawak ng lupa para sa produksyon ng kape sa Kalinga.