-- Advertisements --

Ipinagmamalaki ngayon ng Philippine National Police (PNP) na nasa 155 New Peoples Army (NPA) ang nasawi sa ikinasa nilang police operations nuong 2020 habang 433 naman ang inaresto.


Ito ay bunsod sa pinalakas na operasyon ng PNP at nabawasan ang nagawang pag atake ng mga komunistang rebelde noong nakaraang taon.


Sa datos ng PNP, 12.5 percent ang ibinaba sa mga pag atake ng New People’s Army noong nakaraang taon.


Bumaba rin ang extortion case na kanilang naitala na mula sa 35 noong 2019 ay naging 23 na lang noong 2020.


Tumaas naman bilang ng mga nasawi sa operasyon ng PNP.


Mula kasi sa 15 noong 2019 ay naging 155 ito ngayong 2020.


Nasa 3,155 na mga rebelde ang sumuko sa PNP.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Alfred Corpus, nasa 113 offensives ang inilunsad ng NPA laban sa government forces kumpara nuong 2019 na umabot sa 128.

Samantala, nasa 897 na mga armas nuong 2020 mas mababa kumpara nuong 2019 na umabot sa 1,669.

Bumaba din ang mga NPA-initiated violent incidents nuong 2020 kung saan nasa 202 lamang kumpara nuong 2019 na umabot sa 128.