-- Advertisements --

COTABATO CITY – Ikinababahala na ngayon ng Ministry of Health o MOH BARMM ang pagtaas ng kaso ng dengue sa rehiyon ng Bangsamoro.

Nitong umaga ay nagsagawa ng Press Conference ang ahensya kung saan tinalakay ni MOH-BARMM OIC Minister Dr. Zul Qarneyn Abas ang biglaang pagtaas ng dengue cases sa rehiyon na umabot na sa 1,525 ang kabuoang bilang, habang nakapagtala rin ang ahensya ng 22 nasawi dahil sa nasabing sakit.

“So far for 2022, mayroon na tayong 1,525 na kaso habang 22 naman ang namatay. Sa case distribution per month talagang tumaas noong June, talagang tag-ulan naman, start of the rainy season naman talaga itong May at June.” Ani Dr. Abas.

Dagdag pa ni Dr. Zul Qarneyn Abas na halos mga bata ang tinamaan ng degue virus sa BARMM.

Muling hinihikayat ni Dr. Abas ang bawat Bangsamoro na sundin ang 4’S strategy upang malabanan ang nasabing viral infection, ito ang “Search and destroy” mosquito breeding sites; “Secure self-protection measures” like wearing long pants and long-sleeved shirts, at paggamit ng mosquito repellent; “Seek early consultation”; at “Support fogging/spraying.”

Nagpapatuloy parin ang ahensya sa pagpapaalala sa mga kababayan na kung may dinaramdam na tulad ng lagnat at rashes ay magpakulsulta na agad sa doctor o pumunta sa pinakamalapit na rural health unit upang maagapan agad kung sakaling infected na ng dengue virus.