-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Agriculture na nakarating na sa Nansha District, Guangzhou, China ang unang shipment ng frozen durian products mula sa Pilipinas.

Ito ay binubuo ng 1,050 boxes frozen durian meat at 300 boxes durian paste.

Ang paghahatid ng nasabing bilang ng mga produkto ay isinagawa ng Maylong Enterprises na nakabase sa lungsod ng Davao.

Ayon sa DA, ito ang kauna-unahang kumpanya na pinayagan ng General Administration of Customs ng People’s Republic of China na makapagsagawa ng exporting ng mga frozen durian meat and paste products.

Batay sa datos , aabot sa ₱8.2-million ang halaga ng export ng nasabing produkto.

Maituturing din itong kasaysayan sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.

Naging katuwang ng DA sa tagumpay na ito ang Department of Agriculture -Region XI at maging ang Bureau of Plant Industr– Plant Quarantine Service Port ng Davao.