Tinatayang aabot na sa 1,522 na mga Locally Stranded Individuals at Returning Overseas Filipinos ang dumating sa probinsya ng Zamboanga del Norte simula ng muling ibalik ang sa operasyon ang paliparan at pantalan sa lugar.
Ito ay ayon sa pinakahuling inilabas na report ng Provincial Health Office as of June 10, kung saan lahat umano ng mga dumating ay dumaan sa basic health protocols at isinailalim sa quarantine sa mga barangay isolation area sa kani-kanilang mga lugar.
Sa ngayon ay tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo lamang ang schedule ng dalawang airlines papunta at pabalik sa Dipolog City.
Naglunsad naman ng one stop Shop ang syudad ng Dipolog na syang mag-aasikaso sa mga kinakailangang dokumento ng mga Locally stranded individuals upang makauwi sa kani-kanilang mga lugar.
Layunin ng Dipolog City LSI Management Center na matulungang mapadali ang pagkuha ng Medical Certificate at Travel Authority ng mga na stranded na indibidwal dito sa syudad.