-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 1,500 na pamilya mula sa Matag-ob,Leyte ang nakabili na rin ng tig-bente pesos kada kilo ng bigas.
Ito ay mula sa i-unlad Foundation kung saan tig-limang kilo ng bigas ang maaaring bilhin ng bawat pamilya.
Ayon kay i-unlad Foundation Chairman Wowie Manguera, ang naturang murang bigas ay mula sa ani ng mga magsasaka na nabigyan nila ng organic fertilizer.
Tiniyak naman ni Manguera na patuloy silang mag-iikot sa mga lalawigan para magdala ng murang bigas.
Sa Hunyo ay nakatakda naman aniya silang magdala ng murang bigas sa iba pang bayan sa Leyte at sa Laguna.