Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na target nitong ilipat ang nasa 15,000 inmates ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa provincial prison at penal farms sa pagtatapos ng taon.
Ito ay dahil 500 pang Bilibid inmates ang inilipat sa Davao Prison and Penal Farm kahapon.
Sila ay inilagay sa dalawang bagong constructed facility na idinisenyo para ma-accommodate ang 2,500 inmates.
Kinumpirma ito ni BuCor director general Gregorio Catapang Jr sa mga kawani ng media.
Aniya, ito ay bilang bahagi pa rin ng decongestion program ng kanilang ahensya.
Batay sa datos, nakapaglipat na sila ng aabot sa 4,600 na PDL at umaasa ito na maaabot ang kanilang target na bilang sa pagtatapos ng taon.
Bukod sa NBP at Davao Prison and Penal Farm, pinapatakbo rin ng BuCor ang Iwahig Prison at Penal Farm sa Palawan, Sablayan Prison at Penal Farm sa Sablayan, Occidental Mindoro; Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte; at ang San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.