-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng pamahalaang lokal ng Taguig na nasa 16,625 COVID-19 jabs ang kanilang na-administer sa loob ng isang araw kahapon July 31,2021 na maituturing record-high sa kanilang nagpapatuloy na vaccination program.

Nalapampasan nito ang kanilang target na 8,000 Covid-19 jabs sa isang araw.

Naniniwala naman ang Taguig LGUs na dahil sa mga masisipag na healthcare workers at vaccination teams na patuloy na nagsasakripisyo para ipagpatuloy ang agresibong Covid-19 vaccination program sa gitna ng banta ng highly-contagious Delta variant.

Pinasalamatan naman ng Government ang mga TaguigeƱos sa kanilang tiwala sa vaccination program ng gobyerno.

Hinimok naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang mga unvaccinated constituents nito na magpa bakuna na.

Binigyang-diin ng alkalde na kahit nasa enhanced community quarantine ang NCR magpapatuloy pa rin ang vaccination program ng siyudad.

“Para ho may panangga tayo, para ho may panglaban tayo, kailangan ho tayo ay bakunado,” pahayag ni Mayor Cayetano.

Pina-alalahahan din ni Cayetano ang mga TaguigeƱos na striktong sundin ang minimum public health safety standard gaya ng pagsusuot ng face shields, face masks, social distancing, at palagiang maghugas ng kamay.

Aminado si Mayor Lino na malaking sakripisyo para sa lahat ang isailalim sa ECQ ang Metro Manila, subalit ito ay para sa kabutihan ng lahat.

Tiniyak naman ni Mayor Lino na lahat ng mga eligible individuals ay makakatanggap ng financial assistance mula sa national government at relief goods mula naman sa local government sa panahon ng ECQ.

“Bayanihan po ito at hinding hindi kayo pababayaan ng ating gobyerno,” pahayag ni Mayor Cayetano.