-- Advertisements --
Umakyat na sa 16,449 na mga pasahero ang stranded dahil sa pananalasa ng Bagyong Urduja sa ibat ibang rehiyon.
Sa report na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang mga pasahero na istranded ay mula sa National Capital Region (NCR), eastern at southern Visayas, Bicol at Southern Tagalog.
Nasa 118 vessels, 1,711 rolling cargoes at 37 na mga motor bancas ang stranded sa ibat ibang pier.
Samantala, ilang mga domestic flights din ang kanselado dahil sa patuloy na sama ng panahon.
Limang commercial airline companies ang nagkansela ng kanilang flights partikular sa Legazpi, Caticlan, Toxas, Kalibo, Busuanga, Naga, Masbate ang kanselado.