KORONADAL CITY – Umabot sa mahigit 16 na libong pamilya ang apektado ng baha sa dalawang bayan sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa ulat ni Nina Jawharah Usman ng MSSWD Maguindanao, nasa 4,863 ang bilang ng pamilya na lubog sa baha sa mga barangay sa bayan ng Montawal habang nasa 11,305 naman sa 11 mga barangay sa bayan ng Pagalungan.
Ito ay ayon sa isinagawang assessment ng Municipal Social Welfare Officer ng dalawang Munisipyo.
Maliban dito, nay halos 200 mga residente naman ang nagsilikas sa kanilang mga tahanan bitbit ang kanilang kagamitan patungo sa Tuka Road.
Halos lahat ng mga barangay na apektado ay dinadaanan ng ilog mula sa Liguasab Marsh papuntang Rio Grande de Mindanao.
Nabigyan na rin ng initial na tulong ang mga apektado ng malawakang baha.