Nasa mahigit 17,000 police personnel itinalaga ng PNP para tutukan ang paghahatid ng bakuna sa ibat ibang lugar sa bansa.
Ito ay maliban, sa mga pulis na nagbabantay sa quarantine control points at mga isolation facility.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Alfred Corpuz, nasa 17, 427 ang mga pulis na nagbabantay sa pagbiyahe ng mga bakuna gayundin din sa mga vaccination center.
Sinabi ni Corpuz, layon nito para matiyak na magiging maayos ang vaccination rollout at maiwasan ang anumang tangkang pananabotahe.
Sa naturang bilang, 1,083 ang naka-deploy sa NCR, 1,428 sa CALABARZON at 557 sa Central Luzon, mga rehiyon na may mataas na kaso ng COVID 19.
Sa ngayon, maganda ang itinatakbo ng trabaho ng PNP at walang naitatalang aberya sa delivery ng mga bakuna.