-- Advertisements --

Pinalaya na ng Bureau of Corrections ang aabot sa 174 na mga Person Deprived of Liberty kahapon.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr, ang natungrang bilang ng mga pinalayang bilanggo ay bahagi lamang ng higit isang libong inmate na pinalaya ng kawanihan mula Abril 1 hanggang Mayo 10.

Ito ay bahagi rin ng kanilang hakbang upang tuluyang madecongest ang mga piitan sa bansa.

Ginanap ang naturang programa kahapon na may temang ‘Madi­lim Man Ang Kahapon, Pag-asa’y Muling Aahon Sa Repormasyong Napapanahon’.

Isinagawa ito sa mismong headquarters ng NBP and Reservation sa lungsod ng Muntinlupa.

Nanguna dito si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., habang nagbigay naman ito ng mensahe ng pasasalamat kay PBBM maging sa SOJ Remulla.