-- Advertisements --

Aabot sa halos 2,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa ngayong umaga ng Lunes dahil sa Tropical Storm Agaton, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG commandant Admiral Artemio Abu na 1,813 pasahero ang stranded sa Bicol, Eastern Visayas, at northeastern Mindanao.

Mahigpit na binabantayan aniya ng PCG ang mga pantalan sa Liloan, San Ricardo, Ormoc, Isabel, Bato, Sta. Clara, Dapdap, Daram, at Naval sa Eastern Visayas; Siargao, Lipata, Naisipit, at Placer sa northeastern Mindanao; at Matnog sa Bicol.

Kapag makakabalik ang operations, sinabi ni Abu na mino-monitor naman ng PCG ang posibleng overloading ng pasahero gayong inaasahan ang influx sa mga papauwi sa mga probinsya para sa Holy Week break.

Hanggang kaninang alas-4:00 ng umaga, sinabi ng PCG na kabuuang 2,973 pasahero, drivers, at cargo helpers; 1,387 rolling cargoes; 29 vessels; at isang motorbanca ang stranded.

Havag nasa 76 vessels at apat na motorbanca naman ang nakisilong sa gitna ng bagyo.