Nakapagtala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng higit 18,000 pamilya o nasa 60,000 indibidwal na apektado ng mga pag-ulan o pagbahang dulot ng shear line at bagyong Kabayan.
Inilikas rin ang aabot sa 15,754 pamilya o nasa 51,557 na indibidwal sa 286 evacuation center habang ang ilan nama ay nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.
Karamihan sa mga apektado ay nagmula sa Region 7, Region 10, 11, at CARAGA.
Samantala, tatlong kabahayan naman ang labis na nasira habang 14 ang partially damaged dahil sa nasabing kalamidad, batay pa rin yan sa datos ng naturang kagawaran.
Nauna nang iniulat na tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na naglaan ang na ang Local Government Unit ng higit ₱2.6-bilyong halaga ng assistance.