Aabot sa mahigit 19k na mga manggagawang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators firms sa Metro Manila ang apektado ng total ban ng gobyerno sa operasyon nito.
Ito ang kinumpirma ni Department of Labor and Employment- NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla.
Batay sa datos , aabot sa kabuuang 19, 341 Filipino employees na nagtatrabaho sa 48 internet gaming licensees sa Metro Manila ang apektado.
Karamihan sa mga ito ay sumasahod ng mula P16,000 hanggang P22,000.
Kabilang na ang mga employed sa ilalim ng administrative tasks,encoding, HR, liaison, marketing, finance, IT, housekeeping, drivers at security guards.
Samantala, halos karamihan na mga apektadong kumpanya ay nakapag sumite na ng mga listahan ng kanilang empleyado na apektado ng POGO ban.
Kung maaalala, ipinag-utos mismo ni PBBM ang total ban sa POGO dahil sa mga isyu na kinasasangkutan nito.