Patuloy pa rin ang operasyon ng MMDA-Special Action and Intelligence Committee for Transportation sa panghuhuli sa mga sasakyan na dumadaan sa EDSA busway.
Ayon sa ahensya, sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon ay umabot na sa 1,605 mga pasaway na motorista ang kanilang hinuli dahil sa naturang paglabag.
Ang datos na ito ay naitala mua buwan ng Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.
Marami pa rin ang bilang ng mga nahuling motorsiklo na pumapalo sa 674.
Ito ay sinusundan ng pribado at pampublikong sasakyan na mayroong 500 habang 410 naman dito ay mga unauthorized bus at truck.
21 naman dito ay mga government vehicle katulad ng mga ambulansya na walang lehitimong lakad.
Ayon sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation, ang kanilang operasyon ay alinsunod sa direktiba ng Department of Transportation.
Hinimok rin nito ang mga motorista na sumusunod sa mga panuntunan na itinalaga ng mga kinauukulan.