Aabot sa mahigit isang libong mga pumapasada ng tricycle ang makakapag-avail ng benepisyo mula sa Social Security System ngayong araw sa Sto. Nino, Marikina City.
Kasunod ito ng paglagda ng Security System (SSS) at 17 Tricycle Operators and Drivers’ Association sa isang kasunduan.
Sa ilalim ng kasunduang ito, ilalapit ng SSS ang kanilang mga pangunahing serbisyo sa tricycle driver sa nasabing lungsod.
Kabuang 1,200 na mga tricycle driver ang makikinabang sa nasabing programa.
Dito ay makapag-apply na sila bilang isang self-employed nang sa gayon ay magamit nila ang mga benepisyo ng SSS.
Kabilang sa mga benefit na ito ay ang death o burial assistance, maternity leave para sa kanilang mga asawa, at iba pang mga serbisyo.
Ipinaliwanag naman ni SS-NCR Senior Vice President Rita Aguja na walang babayaran ang mga driver sa pagproseso nito.
Nilinaw rin ng ahensya na hindi ito ibabawas sa kanilang retirement pay.