-- Advertisements --

Mahigit na sa 2.4 million ang mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Ito ay katumbas ng tatlong porsyente sa kabuaang mga kaso worldwide na nasa mahigit 109.6 million.

Ang mga nakarekober naman sa virus ay marami na rin na mahigit na sa 84 million.

Ito ay katumbas sa 97 percent.

Samantala ang United States ang nananatiling worst-affected country na may 485,337 na mga namatay at 27.6 million na ang mga kaso.

Aang sumusunod na mga hardest-hit countries ay Brazil, Mexico, India at United Kingdom.