Kinumpirma ng Department of Education na pumalo na sa mahigit 2.6 milyong mag-aaral ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Julian sa bansa.
Aabot rin sa halos ₱85-milyon ang naging pinsala ng naturang sama ng panahon sa mga building o paaralan .
Batay sa datos ng ahensya , 8,200 na paaralan sa bansa ang apektado kabilang na ang 37 Division mula sa limang rehiyon.
Ito ay kinabibilangan ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, at rehiyon ng CALABARZON.
Mula sa naturang numero , 22 na mga paaralan ang binaha habang 23 na paaralan ang ginawang evacuation center.
Naitala rin ng DepEd ang aabot sa 14 na paaralan na totally damage at 100 schools na partially damaged.
Maliban sa mga mag-aaral , apektado rin ng bagyo ang mahigit 130,000 na mga guro at non-teaching personnel.