Nakumpiska ng Police Regional Office 4-A ang aabot sa 2,929 loose firearms mula Enero 1 hanggang Agosto 31 sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon area.
Pinangunahan ni POLICE Regional Office 4-A Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang pagpresenta ng mga nakumiskan baril sa Camp Vicente Lim sa Lalawigan ng Laguna.
Ayon kay Lucas, 991 mula sa naturang bilang ang nasakote at 1,938 ang na secured na para sa karampatang pag-iingat.
2,899 mula sa nakumpiskang baril ay 2,899 shot firearms, 30 light weapons, 92 homemade guns, at 317 na ang naisumite sa crime Laboratory para sa isasagawang examination.
Paliwanag ni Gen. Lucas, resulta ito ng walang humpay na kampanya ng kanilang police provincial offices laban sa mga armas bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local midterm elections.
Samantala , naihain na sa korte ang kaso illegal possession of firearms laban sa anim na raan at labindalawang indibidwal na inaresto dahil sa illegal possession of firearms .