-- Advertisements --

Naka preposition na ngayon ang nasa 2,000 family food packs para sa mga residente ng Batanes.

Ito ang tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary for Disaster Response Management Group (DMRG) Diana Rose Cajipe.

Sinabi ni Cajipe ma dagdag pa na 5,500 family food packs ang nakatakdang ipadala sa Batanes na isasakay sa barko ng Philippine Coast Guard mula Pangasinan.

Sa ngayon hinihintay na lamang na maging maganda ang lagay ng panahon saka ito bumiyahe patungong Batanes.

Kung maalala ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga local government units (LGUs) at lahat ng mga concerned national agencies na mahigpit na imonitor ang galaw ng Super Typhoon Leon at maging handa sa magiging epekto nito.

Sinabi ni cajipe sa sandali na ibaba ang gale warning at makalipad na ang mga air assets kaagad na simula ang pamamahagi ng family food packs sa Batanes.

Siniguro din ng DSWD na mamahagi din sila ng maiinom na tubig sa mga apektadong residente.