Pumalo na sa 2,039 na mga armas ang nakumpiska ng PNP mula nang ipatupad ang Comelec Gun Ban.
Ito ay batay sa ulat na inilabas ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac, epektibo mula January 13 hanggang March 8,2019.
Ang mga nakumpiska, na-rekober At isinukong mga baril ay binubuo ng 1,553 small firearms, 41 light firearms, at 445 na mga paltik At improvised firearms.
Sa loob din ng panahong nabanggit, 16,379 na samu’t sarong deadly weapons din Ang nakumpiska ng PNP na kinabibilangan ng bladed weapons, granada, Improvised explosive device, mga bala, at firearms replicas.
Samantala, 2773 naman Ang naaresto sa loob ng naturang panahon na kinabibilangan ng 2329 sibilyan, 24 na tauhan ng PNP , 3 tauhan ng AFP, 39 opisyal ng gubyerno, 2 taga BJMP, 45 security guard, 2 CAFGU, 1 foreign national, 20 miyembro ng threat group, 2 miyembro ng private armed group at 6 na iba pa.
Ito ay resulta ng 277,296 police operations na isinagawa sa loob ng nabanggit na panahon na kinabibilangan ng mga PNP-Comelec checkpoints, Joint PNP-AFP checkpoints, serbisyo ng search at arrest warrant, police patrol response at Oplan Galugad.