-- Advertisements --

Umaabot na sa mahigit dalawang million refugees ang lumikas mula sa Ukraine mula ng unang araw na lusubin ng Russian forces noong Pebrero 24.

Ayon sa latest data na inilabas ng United Nations refugee agency, nakapagtala ng 2,011,312 ang refugees ang lumikas sa mga karatig na European countries at iba pang bansa mula Ukraine.

Inihayag ni UNHCR chief Filippo Grandi na isang shocking milestone ang bilang na ito na mahigit 200,000 ang itinaas isang araw lamang ang nakalipas mula noong Lunes.

Bago maglunsad ng military operation ang Russia sa bansang Ukraine nasa mahigit 37 million Ukrainians ang naninirahan sa naturang bansa sa ilalim kontrol ng central government.

Ayon sa International Organization for Migration, nasa 103,000 third country nationals ang ilan sa mga lumikas.

Sinabi ni IOM spokesman Paul Dillon na libu-libung ang nananatiling stranded sa naturang bansa kabilang na ang mga overseas na mga mag-aaral at mangagawa.

Nasa 1.2 million refugees ngayon ang nagtungo sa Poland, 210, 239 katao ang nasa iba pang European countries, 191, 348 refugees ang nasa Hungary, 140,745 ang nasa Slovakia, 99,300 ang nasa Russia at karagdagang 96000 mamamayan ng saparatist region ng Donetsk at Lugansk ang nagtungo sa Russia.

Mayroon ding mahigit 80,000 ang nasa Moldova at mahigit 80,000 refugees ang nasa Romania at 453 refugees naman ang nasa Belarus.