Mahigit dalawang milyong applications for registration na ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec).
Batay sa datos nito, umabot na ng 2,770,561 applications ang natanggap ng poll body mula sa mga nais maging botante.
Naitala sa Region IV-A (CALABARZON) ang pinakamataas na bilang ng applicants na may 42,204.
Sinundan ito ng National Capital Region (NCR) na may 295,357; Region 3 (Central Luzon), 271,869, at Region 7 (Central Visayas), 202,370.
Kakaunti namang ang mga applicants na natanggap ng ahensya mula sa Cordillera Administrative Region na may 42,204.
Naitala naman sa Region 6 ang 187,394 applicants; Region 5 (Bicol Region), 171,315; Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), 159,895; Region 12 (Soccsksargen), 144,075; Region 11 (Davao Region), 137,385); Region 1 (Ilocos Region), 136,712; Region 10 (Northern Mindanao), 133,842; Region 9 (Zamboanga Peninsula), 107,430; Region 8 (Eastern Visayas), 105,650; Region 4-B (MIMAROPA), 96,180; Region 2 (Cagayan Valley), 94,462 at Caraga, 87,892.
Muling ibinalik ang voter registration sa buong bansa noong Setyembre 1, 2020 at magtatapos hanggang Setyembre 30, 2021.
Target ng Comelec na irehistro ang nasa 4 milyong bagong botante para sa May 9, 2022 elections.
Pansamantala namang itinigil ang voter registration sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Abra, Quirino, at Santiago, Isabela dahil nasa ilalim ito ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang katapusan ng Abril.