-- Advertisements --
Kinumpirma ng National Food Authority (NFA) na nakabili na sila ng 2.2 milyong bags ng palay sa mga magsasaka ngayong unang quarter ng taon, katumbas ito ng P2.6bilyong pisong halaga.
Ayon kay NFA administrator Larry Lacson na hanggang ngayon ay tuloy tuloy ang kanilang pamimili ng mga palay mula sa mga farmer cooperative at asosasyon.
Kaugnay nito, nagpatupad aniya sila ng fast lane program para sa maliliit na magsasaka.
Kung dati ay hanggang 50 bags lamang pababa ang binibili ng nfa sa maliliit na magsasaka,ginawa na ito ngayong 70 bags.
Ito aniya ay para ma-accomodate pa ang mas marami nilang ani at maengganyo pa ang mas maraming magsasaka na magbenta ng kanilang produkto.