-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa higit dalawang milyong halaga ng illegal na druga ang narekober sa isinagawang buy bust operation ng mga personahe ng Ecoland PNP.
Isinagawa ang operasyon sa Purok 5, San Nicholas, Brgy. 8-A Madapo, nitong lungsod.

Nakilala ang suspek na si Leo Abad Daan “Tata”, 38 anyos, driver, residente ng San Rafael, Brgy 9-A, Davao City, Luhel Alindajao Gaid “Nonoy”, 41 anyos, tambay, residente ng Brgy. 6-A, Bankerohan, Davao City at Zenas Teves Magallanes, 33 anyos, residente ng UIC, Bankerohan, Davao City.

Matagal ng minamanmanan ng otoridad ang illegal na mga aktibidad ng mga suspek bago ikinasa ang operasyon laban sa kanila.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP crime laboratory ang narekober na mga illegal drugs at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspetsado.