-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa higit dalawang milyong kantidad sa Fully-grown Marijuana Plants (FGMJP) ang narekober ng mga personahe ng PNP DEG SOU 11 (Lead Unit), Kiblawan Municipal Police Station at iba pang law enforcement unit sa mabundok na bahagi ng Sitio Lamlango, Brgy. Bulol-salo, Kiblawan, Davao del Sur.

Ayon sa otoridad, nasa 11,500 hills ng Fully-grown Marijuana Plants (FGMJP) na may street value na P2,400,000.00 ang kanilang narekober.

Agad rin na isinagawa ang ceremonial burning sa mismong munisipalidad na sinaksihan ng mga opisyal ng Brgy. Poblacion, Kiblawan, Davao del Sur.

Iniimbestigahan na ngayon ng otoridad kung sino ang nagtanim ng mga marijuana kung saan hindi na nila ito naabutan sa kasagsagan ng kanilang ginagawang operasyon.