-- Advertisements --

ILOILO CITY- Itinuturing na malaking epekto sa kampanya ni US President Donald Trump sa presidential race ang mismanagement sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bombo International Correspondent Gabriel Ortigoza, registered nurse at university professor sa California, USA, dehado si Trump kay Joe Biden dahil marami ang dismayado sa kanya dahil sa hindi pagtalima sa protocol.

Ayon kay Ortigoza, mahihirapan si Trump na makahabol kay Biden dahil halos 99% na Americans ang desidido na sa kanilang pipiliing pangulo kung saan ayon sa survey, malaki ang abanse ng Democrat na si Biden.

Dagdag pa ni Ortigoza, higit na sa 20 million na Americans ang nakaboto na kung saan 40% ang pinili na mag mail-in voting sa halip na bomoto sa polling centers.