-- Advertisements --

TACLOBAN CITY- Mangiyak-ngiyak na ikwenento ng isang residente at biktima na si Mary Jane Rivera ang nangyaring sunog sa Brgy. Cogon, Ormoc City.

Ayon sa kanya nagbebenta raw sila sa barbeque plaza ng lungsod ng mangyari ang insidente, kaya wala silang naisalba na mga gamit maliban na lamang ang kanilang suot na damit.

Naabutan ng Bombo Radyo Tacloban newsteam, ang mga biktima sa lugar ng pinangyarihan ng sunog na kung saan, pilit nilang isinasalba, at nililinisan ang kanilang mga kabahayan kabilang na ang pagtatanggal sa ilang yero.

Ayon naman kay FCInsp. Darren Baclea-an, patuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon upang malaman ang dahilan ng sunog pero posible raw na dahil sa napabayaang kandila sa isang bahay na naputulan ng kuryente ang dahilan nito na agad namang kumalat dahil sa mga light materials.

Umaabot sa higit P700,000 ang halaga ng mga ari-arian na naapektuhan na kung saan, umaabot sa 43 na mga kabahayan, 233 na mga indibidwal ang apektado at isa naman ang nasugatan.

Umabot sa 3rd Alarm ang nasabing sunog kaya rumesponde rin ang mga kalapit na fire stations.