Aabot sa kabuuang 26 na mga kawani ng Bureau of Internal Revenue ang sinuspinde dahil sa pagiging abusado sa kanilang posisyon.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr, nagpapatuloy pa rin ang kanilang crackdown laban sa mga natitirang mapang-abusong kawani ng ahensya.
Batay sa datos ng BIR , 18 sa mga ito ay naka-preventive suspension habang nagpapatuloy ang kinakaharap nitong formal charges.
Lima naman sa mga ito ang tuluyan nang sinuspinde bilang parusa.
Tatlo naman sa nasabing bilang ay may pending na reklamo at nakatakda na ring masuspinde.
Kabilang sa mga reklamong kinakaharap ng 26 na kawani ng BIR ay grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty, paglabag sa office rules at regulations, paglabag sa Anti-Red Tape Act of 1997 at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Kung maaalala, sinabi ni Commissioner Lumagui na sa kanyang pamumuno at tiyak na maitataguyod nito ang integridad sa institusyon.