Humingi ng paumanhin ang alkalde ng Baiyin City sa China kasunod ng insidente kung saan nasa 21 atleta ng ultramarathon ang nasawi sa biglang pagbago ng panahon sa nasabing lugar.
“As the organiser of the event, we are full of guilt and remorse. We express deep condolences and sympathy to the families of the victims and the injured,” ani Baiyin Mayor Zhang Xuchen sa press conference ngayong Linggo.
Maliban sa mga namatay, walo ang naitalang nagtamo ng injury.
Una rito, nagkaroon ng sudden hailstorm o biglaang paglakas ng hangin na may kasamang pag-ulan ng yelo sa Yellow River Stone Forest kung saan naroon ang mga kalahok na runner.
Ang nasabing kagubatan ay tourist site sa Gansu province.
Tinatayang 172 runners ang nawala, ngunit mabilis namang natagpuan ng rescue team ang 151 sa mga ito na dumanas ng hypothermia.
Base sa mayoclinic.org, ang hypothermia ay “medical emergency that occurs when your body loses heat faster than it can produce heat, causing a dangerously low body temperature.”
Gamit ng mahigit 1,200 rescuers ang thermal-imaging drones at radar detectors para mahanap ang mga competitors na karaniwang nakasuot ng short at T-shirt.
Kuwento ng mga survivor, hindi nila inasahan ang naturang “extreme” weather na mararanasan tatlong oras matapos ang pagsisimula ng event. (BB / globalchinadaily photo)