KORONADAL CITY – Umabot sa dalawamput anim (26) na mga paaralan mula sa mga probinsiya ng South Cotabato, Cotabato province at Sultan Kudarat ang nagsuspende ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Ito ay dahil sa masaming panahon na dala ng hanggang magdamag na malakas na buhos ng ulan.
Sa lalawigan ng Cotabato ang mga lugar na nagdeklara na walang pasok ang mga paaralan sa Kidapawan City, Antipas, Arakan, Aleosan, Carmen, Kabacan, Makilala, Matalam, Magpet, Tulunan, Pigcawayan at bayan ng Pres. Roxas.
Samantala sa lalawiagn ng South Cotabato, walang pasok sa mga bayan ng Banga, Norala,Tantangan , Lake Sebu at Polomolok; habang sa Sultan Kudarat Province, wala ding pasok sa SK State University, sa mga bayan ng Colombio, Esperanza at Lambayong.
Ayon kay OCD-12 Regional Information Officer Joriemae Balmediano, ang nabanggit na mga lugar ay may mga naitatalang baha at landslide kung saan patuloy din ang monitoring at assessment sa ngayon.
Nagpaalala din ang Office of the Civil Defense sa lahat na maging mapagmatyag dahil sa hindi matantiya na galaw ng panahon at sakaling nakikitaan ng baha at landslide ang tinittirhan ay agad na lumikas sa mas Ligtas na lugar.