-- Advertisements --
ROXAS CITY – Isang bangkang de motor ang tumaob matapos hampasin ng malakas na alon sa isla ng Mantalinga, Barangay Baybay, Roxas City.
Lulan ng MB Toto Pen ang 21 pasahero na galing pa sa Olutayan Island.
Pawang residente ng Roxas City ang nakasakay sa nasabing bangka na pauwi na sana sa lungsod matapos mamasyal.
Ayon sa mga pasahero, tanaw na nila ang Roxas City nang biglang hampasin ng malakas na alon ang bangka at hindi inaasahan ang pagtaob nito.
Kaagad namang nagresponde ang coast guard station-Roxas, Capiz Emergency Response Team, Roxas City Emergency Response Team, at dalawang bangka na siyang ginamit sa pag-rescue sa mga biktima.
Matapos mabigyan ng lunas, kaagad din silang pinauwi sa kani-kanilang mga bahay.