Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa lungsod ng Plantation, Florida ukol sa sanhi ng pagsabog sa isang shopping mall sa lugar.
Ayon sa local police, 21 katao ang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa mga ospital sa siyudad.
Sa nasabing bilang, dalawa sa mga ito ang malubhang nasugatan.
Una nang sinabi ng Plantation Fire Department na gas explosion ang nangyari, ngunit sinabi kalaunan ng mga opisyal na kinukumpirma pa nila ang pinagmulan ng pagsabog.
“We had ruptured gas lines. We did have an active gas leak when we arrived, (but) they were able to secure it,” wika ni Battalion Chief Joel Gordon.
“At this point, we have not actually confirmed that it was an explosion due to gas,” dagdag nito.
Nangyari raw ang pagsabog dakong alas-11:30 ng umaga nitong Sabado (local time). (CNN/BBC)