-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mahigit 200 mga baboy na ang kinumpiska at agad na isinailalim sa culling o inilibing matapos makapagtala ng African Swine Fever sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Kagawad Renato Dely ng Barangay Benitez sa bayan ng Banga, nagulat na lamang sila na ipinaalam sa kanila ng municipal Agriculture na umano’y kailangan nilang kunin ang lahat na mga baboy mula sa Barangay Yangco, Improgo at Benetiz lalo na at may namatay at nagpositibo sa ASF.

Ngunit ayon sa opisyal hindu lahat ng mga alagang baboy ng mga residente sa kanilang lugar ay nakumpiska matapos na pumalag ang mga ito at nangkaroon pa ng komosyon.

Kaninang umaga nang pinatawag ang lahat ng mga hog raisers sa nabanggit na mga barangay upang maipaliwanag sa kanila ang pangyayari.

Maliban dito, nagrereklamo din ang ilang mga hog raisers na nakunan ng mga alagang baboy dahil hindi umano sapat ang ibinigay na cash assistance bilang kapalit sa pagkumpiska sa alaga ng mga ito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng Provincial Veterinary Office sa kabuuang numero ng mga baboy na apektado na ng ASF.