LEGAZPI CITY – Umabot sa 216 na mga magsing-irog ang sabay-sabay na ikinasal sa tatlong araw na libreng “kasalan sa barangay” sa Ligao City, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Patricia Alsua, aminado ito na maging siya ay nabigla sa dami ng mga nagpakasal at nakiisa sa aktibidad.
Nabatid na dalawang taon din kasing nag-antay ang mga mag-partner dahil sa pagkakasuspinde ng “kasalan sa barangay” bunsod ng mga restriction na ipinatupad kaugnay ng pandemya.
Nilinaw naman ng alkalde na nasunod pa rin ang ipinapatupad na health protocols dahil isinagawa ang kasalan sa magkakaibang venue sa mga barangay.
Parte ang libreng kasalan ng selebrasyon ng ika-21 anibersayo ng pagkakadeklara sa Ligao bilang isang lungsod sa nabanggit na lalawigan.