-- Advertisements --

Mahigit 200 mag-asawa ang nakiisa sa “Kasalan sa kapitolyo” project ng provincial government.

Ang mass wedding ay bahagi sa mga nakalinyang aktibidad ng probinsiya sa paggunita ng ika-94th anniversary.

“I pray that the future of every family unified today be filled with happiness, love, and prosperity,” mensahe ni Governor Henry Oaminal.

Ayon sa gobernador, ang pangunahing layunin ng proyekto ay mag-alok sa mga mag-asawa mula sa mga marginalized na komunidad ng pagkakataon na magkaroon ng isang hindi malilimutang kasal nang hindi nangangailangan ng anumang gastos.

Umaasa si Oaminal na manatiling bahagi ang mga ito sa patuloy na pag-unlad ng Misamis Occidental.

Kabilang sa guests na dumalo a Kasalan sa Kapitolyo ay si Senator Francis Tolentino, na tumayong ninong sa kasal.

Nakatanggap naman ng regalo ang mga bagong kasal na P20,000 cash gift at wedding cake mula sa provincial government.

Ang mass wedding na kilalang Kasalan ng Bayan ay isa sa mga regular na proyekto ni Gov. Oaminal.

Ang nasabing programa ay pinalawak pa at ginagawa na ito sa buong probinsiya.