Todo paliwanag ngayon ang gobyerno ng China kung bakit halos nadoble pa ang bilang ng mga nadagdag na namatay sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa Hubei Provincial Health Commission nagbago na sila sa sistema sa pagbibilang ng mga kaso.
Una nang naiulat na record breaking ang lumabas na impormasyon na umabot sa 242 ang bilang ng mga panibagong namatay sa mainland China sa nakalipas na 24-oras.
Sinabi pa ng local health commission meron silang diagnosis criteria revision.
Kaya naman maging ang bilang ng mga panibagong infected person ay lomobo pa.
Anuman daw ang mga suspected cases na may pneumonia-related computerized tomography (CT) scan results ay isinasama na ito sa tinatawag na clinically diagnosed cases.
Ang bagong patakaran daw na ito ay upang masiguro na magiging matagumpay ang treatment success rate sa mga pasyente.
Batay naman sa worldmeters information umaabot na sa 60,393 ang kaso na nagkaroon ng coronavirus diseases sa iba’t ibang panig ng mundo, habang ang mga namatay ay nasa 1,369 na.
Ang mga nakarekober naman ay mahigit na sa 6,000.