-- Advertisements --
Ceres Mart
(c) Property.access.ph

BACOLOD CITY – Aabot umano sa mahigit 200 empleyado ng Ceres Mart ang nawalan ng trabaho kasunod nang pagsara ng 13 branches nito sa iba’t ibang terminals sa Negros at Panay Island dahil pa rin sa nagpapatuloy na family feud ng mga may-ari ng kompaniya.

Ayon kay Neil Derek Hibionada, Ceres Mart Human Resource Officer, ipinag-utos ng may-ari ng Ceres Mart na si Emily Yanson na bigyan ng separation package ang 217 na mga apektadong empleyado depende sa haba ng kanilang paninilbihan sa kompaniya.

Ayon naman kay Annelie Sina-on, Ceres Mart operations manager, hina-harass daw ang kanilang mga empleyado dahil pinutol ang supply ng tubig at kuryente sa kanilang mga puwesto sa mga terminal.

Ceres vallacar transit
Ceres transit

Maaalalang, iniutos ni Olivia Yanson, matriarch ng Yanson Group of Bus Companies, na lisanin na ng Ceres Mart ang kanilang pwesto sa Ceres Northbound Terminal sa Barangay Bata, Bacolod City dahil hindi nakakabayad ng renta ang anak nitong si Emily magmula pa ng buksan ang terminal noong 2015.