-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pangungunahan mismo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang pag-demolish simula ngayong araw sa mahigit 200 mga establisiyemento sa Siargao Island dahil sa paglabag sa Environmental Law.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DENR-Caraga information officer Eric Gallego na sisimulan ngayong araw ang demolisyon sa nasabing mga establisamiento.

Nilalabag daw kasi ng mga ito ang 25-meter easement zone mula sa baybayin hanggang sa kanilang establiamiento.

Matatandaang nitong Mayo, umabot sa mahigit 1,000 mga establisiyemento sa isla ang dumaan sa ginawang evaluation at assessment ng Force Siargao.

Ginawa ito upang hindi matulad ang Siargao sa Boracay na isinara ng anim na buwan upang dumaan sa rehabilitasyon.