-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mahigit sa 200 na estudyante, guro at alumni ng University of the Philippines (UP)-Visayas College of Fisheries and Ocean Sciences sa Miag-ao, Iloilo ang lumagda sa petisyon upang kondenahin ang Recto Bank incident sa West Philippine Sea.

Sa online petition, nakasaad na hindi lamang ang mga Chinese ang dapat na managot kundi pati na ang Duterte Administration dahil sa pagpapabaya sa nangyaring insidente kung saan nalagay sa panganib ang buhay ng 22 mangingisdang Pilipino.

Ayon sa petitioners, sa halip na tulungan ang mga Filipino, mas pinapaboran pa ng gobyerno ang mga Chinese.

Inihayag rin ng petitioners na nararapat na protektahan ng gobyerno ang mga mangingisdang Filipino na nasa laylayan ng lipunan.

Ang nangyaring insidente sa Recto Bank ay maituturing “blatant turncoatism” ng Duterte administration.