Nasa 230 fire tucks ang lumahok sa isinagawang Fire Prevention Month parade kaninang umaga, March 1,2020.
Ang motorcade nagsimula kaninang alas-6:00 ng umaga sa Mall of Asis Arena sa Pasay City patungong Quezon City Memorial Circle sa may Elliptical Road.
Bago pa man ang motorcade, nagkaroon muna ng maikling programa.
Mga firefighters mula sa mga volunteer groups ang nakiisa sa parada.
Bukod sa mga firetrucks, kasama din si parada ang mga ambulansiya na ginagamit ng Bureau of Fire Proptection (BFP) para sa rescue operation.
Ang tema sa Fire Prevention Month ngayong taon: “Matuto Ka, Sunog, Iwasan Na.”
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP-NCR) Fire Chief Superintendent Rico Neil Kwan Tiu, layon ng nasabing parada para makamit ang bagong world record para sa longest parade of fire engines.
“Gusto ho namin na mai-set ‘yung pinakamahabang parada ng fire engines sa buong mundo,” pahayag ni Kwan Tiu.
Ang kasalukuyang world record ay nasa 220 fire trucks sa parada kaya target nilang lagpasan ang record.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa Guinness World Records subalit sila ay naabisuhan na tatagal ng ilang linggo ang pag proseso dito.
Siniguro ni Kwan Tiu na nagpapatuloy din ang kanilang kampanya hinggil sa fire prevention.
“We want the community to really practice fire safety. We want the community to develop the culture of safety, security, discipline and self-help,” dagdag pa ni Kwan Tiu.
“Gusto namin ang lahat ng Pilipino bigyan ng halaga ang seguridad, safety, disiplina upang matuto. Pagdating ng sakuna, everyone is already self-reliant.”
Giit ng opisyal target ng BFP na makamit ang target na “fire safe nation” by 2034.
Aprubado na rin ng gobyerno ang modernization sa BFP partikular ang mga kakailanganing kagamitan at mga resources.