Pumalo na sa 210,2019 ang bilang ng mga quarantine violators ang naitala ng PNP Joint Task Force Covid Shield simula nang ipatupad ang community quarantine nuong buwan ng March 17 hanggang June 29.
Ayon kay JTF Covid Shield Commander Lt.Gen. Guillermo Eleazar, patunay lamang ang nasabing datos na patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga lumalabag sa quarantine protocols.
Sinabi ni Eleazar, mula sa kabuuang bilang ng mga lumabag, 112,373 dito ang binigyan ng warning; 33,362 ang pinagmulta; habang 66,916 naman ang tuluyang inaresto.
Pinakaraming paglabag na naitala sa Luzon, na sinundan ng Visayas at Mindanao.
Karamihan sa mga violators, mga indibidwal na lumabag sa curfew, at mga bumiyahe kahit na ipinagbabawal.
Samantala, patuloy namang nagpaalala ang JTF COVID Shield sa publiko na sumunod sa quarantine protocols at huwag magpakakampante.