-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa higit 200, 000 o 217, 494 indibidwal ang apektado ng Bagyong Tisoy sa Bicol.

Batay sa tala mula sa Office of the Civil Defense (OCD) Bicol, mula ang mga ito sa 735 na barangay ng anim na lalawigan ng rehiyon.

Ilan sa mga inilikas ay nanatili sa 648 designated evacuation centers habang nakituloy muna sa pribadong kabahayan at government offices ang iba.

Samantala, wala na ring suplay ng kuryente sa Albay, Catanduanes at Sorsogon.