CENTRAL MINDANAO-Halos 240 na mga Micro Enterprises sa Midsayap, Cotabato ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Local Government Unit o LGU-Midsayap sa pangunguna ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO).
Ito ay sa ilalim ng Micro Enterprise Financial Assistance Program (MEFARP).
Layon ng programa na maiangat ulit ang negosyo ng mga Micro Enterprises na naapektuhan sa kasagsagan ng pandemya.
Isinagawa ang distribusyon sa ABC Hall, Municipal Compound sa bayan ng Midsayap.
Ayon kay Development Management Officer III Jasmin M. Arabis, bawat micro enterprise ay nakatanggap ng tig Php 6,000.00.
Tiniyak naman ni LEDIP Team Leader Teresita B. EspaƱol na patuloy na maghahanap ng paraan ang kanilang grupo upang mabigyan ng tulong ang mga maliliit na negosyante sa bayan.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si GSGE President Raquel T. Gamallo sa patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga micro enterprises na labis na naapektuhan ngayong pandemiya.