Tinatayang nasa 250 miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) nakasuot ng fatigue uniform ang hinarang ng mga sundalo sa may national highway ng Buluan, Maguindanao kahapon kung saan nasa 50 na samut-saring matataas na kalibre ng armas.
Ayon kay Wesmincom Spokesperson Maj. Arvin Encinas ang nasabing grupo ay pinamumunuan ni Guimaludin Gulam ang MNLF Chief Boarder Command.
Patungo sana ang grupo sa Buluan Municipal Gym para magsagawa ng MNLF Grand Rally, pero dahil walang koordinasyon kaya hinarang sila sa military checkpoint.
Dahil dito inatasan ng militar na bumaba ang mga ito sa kanilang sasakyan at manatili sa isang building habang nagkakaroon ng pag-uusap para sa kanilang release.
Nadiskubri din ng militar na walang lisensiya ang mga bitbit na armas ng mga MNLF members.
Galing umano ang mga ito sa North Cotabato at Davao region at patungong Buluan,Maguindanao.
Sinabi ni Encinas na 37 MNLF members sa pangunguna ni Gulam ang boluntaryong isinuko ang kanilang mga armas sa mga tropa ng 40th Infantry Battalion.
Ang mga nasabing armas ay kasalukuyang nasa kustodiya ng militar.