Aabot sa 203 Metro Rail Transit-3 (MRT3) workers ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa testing ang 3,304 personnel nito, ayon kay Transportation Assistant Sec. Goddes Libiran.
Pero tanging 15 lamang aniya sa mga infected personnel ang na-deploy sa mga train stations, at hindi 16 na nauna nilang inanunsyo.
Tanging 14, at hindi 15, naman ang designated bilang ticket sellets sa iba’t ibang istasyon ng MRT3.
Sinabi ni Libiran na isang nurse sa isang istasyon ng MRT3 ang nagpositibo sa COVID-19.
Aniya, 183 sa mga empleyado ng MRT3 na nagpositibo sa COVID-19 ay nakadestino sa depot, tatalo ang train drivers at dalawa naman ang control center personnel.
Mababatid na sinuspinde ng MRT3 ang kanilang operasyon mula Hulyo 7 hanggang 11 dahil sa paglobo ng bilang ng mga manggagawa nila na nagpositibo sa COVID-19.
Nauna nang sinabi ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan na kabuuang 1,300 personnel ang kailangan para makabalik sa operasyon ang MRT3.