-- Advertisements --

Aabot na sa kabuuang 223 na mga silid-aralan ang totally damaged o tuluyang nasira habang 415 ang partially damaged dahil sa epekto ng bagyong Krsitine sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kabilang sa mga nasira ng bagyo ay mga  school furniture at computers set na ang ilan ay hindi na maaaring pakinabangan pa.

Batay sa datos ng ahensya, aabot sa higit 18.9 million na mga mag-aaral ang hindi pumasok sa nakalipas na ilang araw dahil sa sama ng panahon.

Ang bilang na ito ay kumakatawan sa mahigit 37,000  na mga paaralan.

Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag sa ginanap na sidelines ng artificial intelligence conference sa University of the Philippines BGC campus.

Kaugnay nito ay sumampa na sa P765 million ang initial infrastructure damage na naitala ng DepEd.

Sa naturang halaga,  P557.5M nito ang kailangan i reconstruct habang P207.5 M ang kailangan ng major repairs dahil sa pinsalang natamo mula sa bagyo.

Gagamitin naman ng ahensya ang kanilang quick response fund and rehalibilitation funds para sa pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura.